Para kay Maria:Lonely pa rin sa dyowa na love na love
Para kay Maria, Mahal na mahal ko ang aking boyfriend at ganoon din naman siya sa akin. Ang problema ko kahit same kami ng feelings, parang may kulang pa rin. Para tuloy kahit magkasama kaming namamasyal ay lonely pa rin ako. Bakit kaya ganoon? -- Clarisse Clarisse, Kung alam na ninyo sa isa’t isa na magiging kayo na forever, gusto na ninyong mag-level up. Ibig sabihin, hindi ka na kontento sa pagiging mag-dyowa ninyo. Baka naman gusto mo nasiyang maging kapamilya. Kung alam mong mahal na mahal mo siya, gugustuhin mo na ring siya ang iyong mapangasawa. Kaya, kung hindi ka pa niya inaalok ng kasal, iyon ang rason kaya nakakaramdam ka ng kalungkutan. May pagkakataon tuloy na nagagawa mong isipin kung talaga nga bang mahal ka niya. Baka naman guni-guni mo lang iyon. Kapag kasi mahal ka ng isang lalaki, gugustuhin niyang makasama ka sa bawat araw ng kanang buhay. Iyon nga lang, mangyayari lang iyon kapag pinakasalan ka niya. Bakit kaya di mo siya tanu...