Para kay Maria:Lonely pa rin sa dyowa na love na love



Para kay Maria,


Mahal na mahal ko ang aking boyfriend at ganoon din naman siya sa akin. Ang problema ko kahit same kami ng feelings, parang may kulang pa rin. Para tuloy kahit magkasama kaming namamasyal ay lonely pa rin ako. Bakit kaya ganoon? -- Clarisse



Clarisse, 
Kung alam na ninyo sa isa’t isa na magiging kayo na forever, gusto na ninyong mag-level up. Ibig sabihin, hindi ka na kontento sa pagiging mag-dyowa ninyo. Baka naman gusto mo nasiyang maging kapamilya. Kung alam mong mahal na mahal mo siya, gugustuhin mo na ring siya ang iyong mapangasawa. Kaya, kung hindi ka pa niya inaalok ng kasal, iyon ang rason kaya nakakaramdam ka ng kalungkutan. 


May pagkakataon tuloy na nagagawa mong isipin kung talaga nga bang mahal ka niya. Baka naman guni-guni mo lang iyon. Kapag kasi mahal ka ng isang lalaki, gugustuhin niyang makasama ka sa bawat araw ng kanang buhay. Iyon nga lang, mangyayari lang iyon kapag pinakasalan ka niya. 


Bakit kaya di mo siya tanungin kung ano ang plano niya sa inyong relasyon? Iyon nga lang, hindi ka nakakasiguro sa kanyang isasagot. Kahit mahal na mahal ka niya, kung hindi pa rin siya handang lumagay sa tahimik, makakaramdam ka lang ng disappointment. Gayunman, may tendensiya na masiyahan ka rin sa kanyang isasagot. 


Ang gusto kong sabihin,   bahala kang magdesisyon kung magkakaroon ka ng lakas ng loob na magtanong sa kanya o hihintayin mo na lang na mag-alok siya ng kasal. Ayaw mo bang masorpresa? Mas nakakakilig iyong siya ang hihintayin mong magtanong sa’yo kaysa naman umasam ka tapos madi-disappoint ka sa kanyang isasagot. 

Comments

Popular posts from this blog

ADVISORY FOR ALL DOST SETUP BENEFICIARIES

VCO CLINICAL STUDIES BY DOST, UP-PGH, AND PCA

Mga bata, ginagamit ng mga magulang para kaawaan